Bakit ganon naman?

  • Thread starter Thread starter Allyssamanalo
  • Start date Start date
Status
Not open for further replies.
A

Allyssamanalo

Guest
Lumaki ako ng walang nanay. When i was 2 years old, nag ibang bansa nanay ko and suddenly, nawalan ng communication. Hanggang yung tatay ko na ang nagpa laki sa akin. Siya yung gumastos sa lahat ng kailangan, at gusto ko. Yes, ang dami nyang naging girlfriend. Some of them, talagang nagustuhan at naging close ko. Yung isa don, na paborito ko, napalapit saakin dahil siya yung nag comfort sa akin pag umiiyak ako. Yung isa naman, paborito ko rin. Dahil napaka bait nya. Kala ko nga siya yung mapapangasawa na ni daddy. And this girl came. From Japan. May anak. Simula pa lang, ramdam kong ayoko sa kanya. May mysterious side yung girl. Pero ngayon ko lang nakita yung tatay ko na ganun ka inlove. Na pag magkasama sila, tawa dyan, tawa dito. Pero pag ako yung kasama, laging galit. Bakit ganon? And few minutes before i do this topic, tumawag saakin si daddy. Asked me kung gusto ko bang tumira sa japan in case na kunin siya nung girlfriend nya at dun na kami titira. I said, NO. AYOKO. Simply because ayoko sa girl at sa anak nyang 2 years old na napaka kulit. AYOKO SAKANILA. Pero i cant tell yung inis na nararamdaman ko sa dalawang yun sa daddy ko. Bakit? Kasi magagalit saakin tatay ko. I have to pretend almost everyday na happy ako sa babaeng yon. Then my father said, pag iisahin nila yung birthday ko at birthday nung anak ng babaeng yon. Sabi ko, AYOKO. “birthday ko yun. Ayoko na pinag iisa. Ayoko na maraming tao. Gusto ko kami lang ng mga kaibigan ko ang magkasama.” sabi ng tatay ko “ako masusunod. Pag iisahin ko”. Ang sakit sakit. UNA SA LAHAT, HINDI RESPONSIBILITY NG TATAY KO YUNG MAG INANG YUN. PANGALAWA, AKO YUNG ANAK. LEGAL NA ANAK. AT DAPAT SAAKIN LANG BINIBIGAY YUNG GASTOS HINDI SA BATANG YON. ang sakit. Ang sakit na kailangan kong tanggapin na parte na ng buhay ko yung mag inang yun. I think this is the first time na hindi ako matutuwa sa bday ko. Hays…
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top