may tanong po ako… bakit po tayong mga katoliko ay may repeatative prayers… our father… hail mary etc… ano po basehan natin… may passage po ba sa bible to support this? ang tanong po kasi ng taga INC sa TDP forum Bakit NGA DAW PAULIT-ULIT…
sana matulungan niyo po ako sa pag sagot…
Sinasabi ni Apostol San Pablo sa 1 Tessalonia 5: 17 na ‘
Palagi kayong manalangin’; At gayon nga ang ginagawa nating mga Katoliko.
Sinasabi ng ilan na nilalabag daw nating mga Katoliko ang utos ni Hesus sa Mateo 6: 7 (mula sa Magandang Balita Biblia):
…Sa pananalangin ninyo’y huwag kayong gagamit ng maraming salitang walang kabuluhan, gaya ng ginagawa ng mga Hentil. Ang akala nila’y papakinggan sila ng Diyos dahil sa haba ng kanilang sinasabi…
Ang kanilang basehan sa argumentong ito ay ang King James Version (Ingles), na nagsasabing:
But when ye pray, use not vain repetitions, as the heathen do: for they think that they shall be heard for their much speaking.
Sa orihinal na wikang Griego, ito ay:
Proseuchomenoi de mē battalogēsēte ōsper oi ethnikoi, dokousin gar oti tē polylogia autōn eisakousthēsontai.
Ang ibig sabihin ng salitang ‘battalogeo’, kung isasalin sa Ingles ay ‘to babble’ o kaya ay ‘to stutter’ (pasensya na’t nalimutan ko na ng konti ang Tagalog); sa katunayan, itong salitang ito ay sa Ebanghelyong ito lang ginamit; wala masyadong ibang kasulatang Griego na gumagamit ng salitang ito. Pinaniniwalaang konektado ito sa salitang Arameo (Aramaic) na ‘
Battal’, kumbaga ay ‘walang bisa’ o ‘walang kabuluhan’.
Bakit isinalin ang ‘battalogeo’ na ‘vain repetitions’?
Noong ika-16 at 17 na Siglo, nang itinatag ang
Iglesya Anglikana (Anglican Church), ang mga tao ay mga Katoliko at karamihan sa kanila ay idinadasal ang Rosaryo. Natakot ang Hari at ang kanilang mga opisyal na maaaring maging sagabal ang Simbahang Katoliko sa paglago ng Iglesyang kanilang itinatag; ayaw nila ng mga bagay na kanilang ikikonsidera na ‘Katoliko’. Ipinagbawal ang pagrorosaryo at sa isinalin na ‘vain repetitions’ ang ‘battalogeo’ sa saling King James para maging isang propaganda laban sa mga Katoliko.
Hindi kikondemna ni Hesus ang pagdasal ng paulit-ulit, sapagkat:
Lumayo siya nang kaunti, nagpatirapa siya at nanalangin, “Ama ko, kung maaari po, ilayo ninyo sa akin ang kopang ito ng paghihirap. Ngunit hindi po ang kalooban ko, kundi ang kalooban ninyo ang mangyari.”…
Muli siyang lumayo at nanalangin, “Ama ko, kung hindi po maaaring maialis ang kopang ito malibang inumin ko, mangyari nawa ang inyong kalooban.”…
Iniwan niyang muli ang tatlong alagad at siya’y nanalangin, at iyon din ang kanyang sinabi.
Mapapansin na halos magkapareho ang mga salitang ginamit ni Hesus (sinasabi pa na noong ikatlong beses ay iyon din ang kanyang sinabi)! Kung ikikondemna niya ang paulitulit na pagdadasal, bakit din niya ginagawa ang pagdadasal ng paulit-ulit dito?
ANO BA TALAGA ANG IPINAGBABAWAL NI HESUS?
Mauunawaan nating mabuti ang sinasabi ni Hesus sa Mateo 6 kung ating sisilipin ang kultura na kinalakihan niya. Noong panahong iyon, karamihan sa mga ‘diyos’ na sinasamba ng mga pagano (halimbawa baga ang mga Egipto o kaya’y mga Griego) ay merong pang higit sa isang pangalan.
Kadalasang isinasambit ng mga pagano ang mga pangalan o mga titulo ng kanilang mga diyos, o di kaya nama’y mga salitang walang ibig-sabihin (sa Ingles baga’y ‘gibberish’) na karaniwang tinatawag na ‘voces magicae’.
Isang halimbawa nito’y ang tinatawag na
Ephesia Grammata (‘Salitang Efeso’):
aski(on) kataski(on) lix tetrax damnameneus aision
Pinaniniwalaan nila na ang mga salitang ito at ang mga pangalan ng kanilang mga diyos ay mayroong kapangyarihan.
Tsaka, kung magdasal ang ilang mga pagano’y (halimbawa ang mga Egyptians) ay kadalasang tatakutin pa muna ang kanilang mga diyos para pagbigyan sila sa mga hiling nila.