Mga panalangin ni Pedro
Diyos! Walang-wala ako maliban sa buhay na ito. Bagaman hindi ito gaanong karapat-dapat sa Iyo, nais kong ihandog ito sa Iyo. Bagaman hindi karapat-dapat na magmahal sa Iyo ang mga tao, at ang kanilang pag-ibig at mga puso ay walang-silbi, naniniwala ako na nakikita Mo ang layon sa mga puso ng mga tao. At kahit na ang mga katawan ng mga tao ay hindi katanggap-tanggap sa Iyo, ninanais kong tanggapin Mo ang aking puso.’ Sa pagbigkas sa mga panalanging ito nakakatanggap siya ng kalakasan, lalo na nang siya ay nanalangin: ‘Buo kong iaalay ang aking puso sa Diyos. Kahit na wala akong anumang bagay na magawa para sa Diyos, tapat kong bibigyang-kasiyahan ang Diyos at buong-pusong iuukol ang aking sarili sa Kanya. Naniniwala ako na dapat tumingin ang Diyos sa aking puso.’ Sinabi niya: ‘Wala akong hinihiling sa buhay ko maliban na ang mga kaisipan ko ng pag-ibig sa Diyos at ang pagnanasa ng puso ko ay tanggapin ng Diyos. Napakatagal kong kasama ang Panginoong Jesus, nguni’t hindi ko kailanman inibig Siya, ito ang pinakamalaking pagkakautang ko. Kahit na nanatili akong kasama Niya, hindi ko Siya kilala, at nagsalita pa nang ilang hindi angkop na mga bagay sa likuran Niya. Kapag iniisip ko ang mga bagay na ito, ipinadarama nito na lalo akong may pagkakautang sa Panginoong Jesus.’ Palagi siyang nananalangin sa ganitong paraan. Sinabi niya: ‘Ako ay mas mababa sa alikabok. Wala akong magagawa maliban ang ialay ang pusong tapat na ito sa Diyos.